Ano nga ba ang teenage pregnancy?
- Ang teenage pregnancy o
pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi
lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the
Children, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad
20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga
gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy.
Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical
Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage
mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult Fertility and
Sexuality (YAFS) study. Mga 14% ng mga Pilipina na may edad aged 15 to 19 ay
buntis o di kaya mga ina na. Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara
sa mga ibang bansa sa Southeast Asia. Tayo ang pinakamataas sa rehiyon
kapanalig, at sa atin lamang tumataas ang bilang ng teenage pregnancy. Ayon sa YAFS, dalawa sa mga dahilan ng mga
kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya at kawalan ng
maayos na female role models sa kanilang tahanan. Maliban dito, marami sa mga
teenage mothers ay maralita, at maraming eksperto ang nagsasabi, ang teenage
pregnancy ay simtomas ng kahirapan.
Ano ang mga sanhi o factors ng teenage
pregnancy?
Peer pressure. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga
teenager ay kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging
kapareho ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang
ito ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa
nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain.
ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila
nitong cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi
inaasahang pagbubuntis.
Kawalang tamang gabay ng mga magulang. Ang isang kabataang babaeng
ay mas malamang na mabuntis kung limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang
mga magulang. Ang mga magulang na sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng
tamang gabay sa kanilang mga anak na gumagawa ng imporatanteng mga disiyon sa
buhay, halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang teenage
pregnancy. Kapag ang isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang
kaniyang problema dahil sa bawal nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman
sobrang busy ng kaniyang mga magulang para dito, maghahanap siya ng mga
kasagutan sa ganitong mga isyu sa kapwa niya mga kaedad. Pwede itong mauwi sa
palitan ng maling mga impormasyon na maaaring mauwi sa maagang pagbubuntis.
Media. Ang industriya ng pelikula at ang media ay nakadaragdag sa
mga kaso ng maaagang pagbubuntis dahil sa pinagaganda nito ang itsura ng
maaagang pakikpagtalik at pagbubuntis sa mga panoorin sa TV at sine. Ang mga
pilikulang nagtatampok sa maagang pagbubuntis bilang isang katanggap-tanggap na
sitwasyon ay nakahihikayat sa mga kabataan na subukan ang walang habas na mga
kaugalian sa pakikipagtalik.
Kawalan ng tamang kaalaman. Ang mga kabataang hindi naturuan ng
tama tungkol sa sex ay mas malamng na maging biktima ng hindi ginustong
pagbubuntis. May mga kabataang hindi pa lubos na nauunawaan ang biolohikal at
emosyonal na mga aspeto na kaakibat ng pakikipagtalik. Ang mga kabataang ito ay
malamang na nakakuha ng maling mga impormasyon galing sa mga kaibigan, mga
video, telenovela o mga pelikula. Sa kadalasan, ang mga teenager ay wala ng
tamang kaalaman para makagawa ng tamang mga disisyon kung makikipagtalik sila o
hindi.
Paglalasing. Ang pagiinom ng alak ng mga kabataan ay pwedeng mauwi
sa hindi ginustong pagbubuntis. Maraming mga kabataan ang nageeksperimento sa
droga at alak. Ang pag inom ay nagpapahina ng kakayahan ng kabataan na kontolin
ang bugso ng kanilang mga damdamin, na siyang dahilan ng higit sa 75% na mga
kaso ng teenage pregnancy.
Ano ang epekto nito sa ating lipunan at sa pag unlad ng
bayan?
Sa
lipunan:
Kapanalig,
malaking isyu ang teenage pregnancy sa pamilya at lipunan. Unang una, malaki
ang epekto nito sa buhay ng batang magsisilang at isisilang. Marami sa mga
teenage mothers ay tumitigil mag-aaral, bago pa man mabuntis, o habang buntis.
Marami sa kanila ay mahihirapan ng mag-aral pa o maghanap ng kasanayan dahil sa
kanilang bagong obligasyon. Ang sanggol at ang ina ay maghihirap, at papahabain
uli ang siklo ng kahirapan ng kanilang pamilya.
-
Ang teenage pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng
bansa. Ito ay isang malaking health risk. Ang murang edad ng mga teenagers ay
hindi lamang nangangahulugan na hindi pa sila hinog sa pag-iiisip. Ang kanilang
katawan ay hindi pa rin handa sa mabilis na pagbabago na kaakibat ng
pagbubuntis. Marami sa kanila ay nahihiyang magpa check up, hindi maayos ang
nutrisyon, at nahaharap sa risk ng maternal death. Tumataas nga ang bilang ng
mga teenagers na namamatay dahil sa pagbubuntis. Sampung porysento sa kanila
ang namatay noong 2013.
-
Kailangan ng ibayong atensyon ng ating kabataan ngayon. Ang mga
isyung kanilang kinahaharap ay nakakaparalisa at nakakapigil buhay sa kanilang
hanay. Kailangan nila ng gabay una mismo sa kanilang pamilya. Hindi nga ba’t
ang pagkasira ng pamilya at kawalan ng huwarang babae din ang ang ilan sa mga
dahilan ng mga teenage mothers?
-
Ang pagpapatatag ng pamilya ay isang makapangyarihang tugon sa
isyung ito. Kailangang,maiahon ang mas maramng pamilya sa karalitaan upang
mabawasan ang bilang ng mga out of school youth. Kailangan mabigyan ang mga
pamilya at ang kanilang anak ng mga kasanayan na maaring tumulong sa kanila
gumawa ng maiinam na desisyon para sa kanilang sarili at pamilya. Kailangan din
ng mas maigting na pastoral formation sa mga pamilya; kailangan silang
mabigyang gabay ispiritwal.
Mga epekto nito:
·
Pisikal, Mental, Emosyonal at
Sikolohikal na Suliranin dulot ng teenage pregnancy
sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang katawan at
kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng
premature birth, at iba pang komplikasyon s pisikal at mental.
·
Sakit na kaugnay maraming
sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng (
chronic, respiratory diseases at body impairments) Lalo na ang STD o sexually
transmitted disease.
·
Pagkasira ng Kinabukasan ang
maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan
sa pag-aaral na maaaring magdulot ng pagkasira ng magandang kinabukasan.
·
Aborsiyon dahil
sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.
Mga solusyon:
·
Contraseptives at Family Planning ito
ay ang paggamit ng condom o birth control pills atbp. Ay isang uri ng pagpigil
ng magang pagbubuntis, subalit mas madali ang family planning.
·
Pagpapatibay ng Relasyon mahalagang
panatilihing buo ang relasyon ng teenager sa pamilya at panatilihin ang
pananampalataya at pagtutok sa pag-aaral.
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa bansa.
Batay sa 2011 report ng United Nations (UN) Population Fund-Philippines, tumaas ng 70 porsyento ang antas ng teenage pregnancy sa bansa sa loob lamang ng 10 taon.
Noong 1999, umabot sa 114,205 ang naitalang kaso ng teenage pregnancy sa bansa, subalit pagsapit ng 2009 ay umakyat pa ito sa 195,662 kaso.
“Adolescent pregnancy is not just a health issue, it is a development issue, it is deeply rooted on poverty, gender inequality, violence, child and force marriage,” pahayag ni Dr. Reena Dona ng United Nation Population Fund – Philippines.
Sa ulat naman ng Commission on Population noong taong 2010, nakapagtala ng 168 maternal death sa mga kabataang may edad 15 pataas.
“When they get pregnant di nila alam how to take care of themselves, nahihiya pumunta sa mga clinic. Sometimes they keep it na lang,” pahayag ni Eleonor Cura, Regional Director ng Commission on Population.
Kabilang sa mga panganib na maaaring idulot ng maagang pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng kumplikasyon na madalas nauuwi sa kamatayan.
Kaugnay nito, nananawagan ang ilang grupo sa pamahalaan na bigyan ng atensyon ang dumaraming kaso ng teenage pregnancy sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas na makatutulong sa maayos na komunikasyon at samahan ng isang pamilya.
Paano natin maiiwasan ang patuloy na pag
laganap nito?
“Ang hindi marunong
maghintay madalas ay maagang nagiging nanay”.
Paano nga ba natin
maiiwasan ang pagdami ng mga babaeng maagang nabubuntis? Kailangan
mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito. Lagi nating tatandaan na nasa
simula lang ang sandaling sarap ngunit ang kasunod nito’y pangmatagalang hirap.
1.Labanan ang
temptasyon
Ang temptasyon ay isa napakahirap labanan na dahilan. Hindi
mapigil ang mga mapupusok na damdamin lalo na sa mga magkarelasyon na
labis-labis ang pagmamahal sa isa’t isa. Madalas inaakala ng karamihan na sila na
talaga ang magkakatuluyan habang buhay kung kaya’t inisip nilang ibigay na lang
ang kanilang sarili, ngunit hindi nila alam na maraming mapagsamantalang lalaki
at ito lang ang habol sa kanila. Sa madaling salita wag kanang mag-aksaya sa
iba kung nandito lang naman ako. Mapapasaya pa kita, di kapa mabibiyak ng maaga
owrayt.
2.Iwasan ang
barkadang masama ang dulot
Kailangang mag-ingat din sa pagpili ng mga
kinakasamang barkada sila ang nagdudulot minsan ng ating ikapapahamak. Marahil
ay sila pa mismo ang mag-uudyok at magtuturo sa’yo na gawin ang hindi
nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom ng alak, paglalakwatsa, paninigarilyo at
iba pa kahit na dati’y hindi mo ito ginagawa. Kaya sabi ko sayu piliin mo ako,
bukod sa di ka mabibiyak, magbabible-study pa tayo. Owrayt.
3. Ligtas ang may
alam!
Ang iba nama’y sadyang agresibo lang talaga, walang
pinag-aralan, naku-curious, gustong maranasan at nakikisabay sa uso. Alam naman
nating lahat na likas sa mga kabataan ang pagiging “curious” sa mga bagay-bagay
sa kanyang paligid at gustong maranasan ang mga nararanasan ng iba. Madali rin
silang naiimpluwensyahan ng kanilang madalas na nakikita dahil hindi pa sila
“mature” at hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa. Kung mapapasakin ka, di
kana maku-curious pa, dahil tuturuan kita-----mag bible study owrayt.